Negosyante
Hindi talaga mawala sa akin ang mag-negosyo ng kung anu-ano. Nakagisnan ko kasi magmula pa noong aking "kabataan" na ganito, pag bakasyon o kaya in any opportunity na pwedeng kumita, bahala ka na sa diskarte mo kung papaano ang gagawin mo para may dagdag pambigay sa nanay o kaya para makabili ka ng gusto mo. Kinamulatan ko na lang ang Nanay ko pati mga tita ko eh nagtitinda ng AVON. Ang tatay ko naman pati mga tiyuhin, kung hindi driver eh mekaniko...
Well, i was just trying to remember all the jobs that I a'm exposed to ever since i was a kid. Nariyan ang taga-igib ng tubig galing sa poso para pampaligo ng tita ko kapalit ng uno singkwenta na aking pang-miryenda... naging taga-pag-alaga (yaya) ng mga pinsan ko kapalit ng gamit pang-eskwela. Taga-giling ngpanglahok sa espasol mula sa gilingang bato ng Lola ko na siya rin namang ilalako namin sa aming nayon kinabukasan. Naggagawa rin kami ng nanay ko ng iba't ibang flavor na ice candy...syempre paninda rin. Bata pa lang din ako noong una kaming nagka-tindahan, palagi-lagi rin ako ang tumatao roon. On and off ang aming tindahan kahit noong una pa. Madali lang kasi ang mamuhunan sa tindahan, ang pag-ma-manage nga lang ng benta at pautang ang mahirap.
Nagbebenta rin ako ng laruan ko kahit noong ako ay grade one. Yung mga regalo sa akin ng tita ko nung gumaraduate ako ng kinder...hehehe binibenta ko yon eh pagkatapos kong pagsawaan!!! Sana hindi nya mabasa ito..hehehe!!! Yun nga, meron akong naging suki na halos sya na lang araw-araw ang bumibili ng laruan ko. Na nagkataon na mag-ka-baranggay kami at sya rin ang naging Best friend ko upto now. It so happened that we had the same cousin, she on my cousins father side, me on my cousins father side...so we're not cousins ng best friend ko. That cousin of ours saw my toys sa aking best friend...at pinagalitan nya ito right away. Knowing our pinsan na mataray at maedad sa amin eh hindi na sya pumalag pa. Then ibinalik sa akin ng pinsan ko yung mga laruan ko tapos sinabing ingatan ko na lang para daw hindi manakaw ng iba. I was just quiet and didnot say anything about those laruan. Umiyak na lang ang best friend ko at hindi ko man lang sya pinagtanggol na sya na ang bagong may ari ng mga laruan ko... hehehehe (what a very bad Zara!) Anyway, pag-kaalis naman ng pinsan namin agad ko namang ibinigay yon sa kanya at sinabing, " o, heto na lahat! Itago mo...Wag na wag mo na ulit lalaruin yan pag andito si ATE!". Haaay... pinagtatawanan na lang namin yun ngayon pag napag-ku-kwentuhan ulit namin. Hahahaha sinabi rin naman namin yon sa pinsan naman years after na....at sinabihan pa nya ako na Walanghiya! hehehehe pati sya natatawa!.
Haaay napahaba na yata ang kwento ko ah. Anyway meron pa. Naging on and off AVON lady rin ako kasi lumaki kaming magpipinsan sa avon office ng san pablo. Lalu na nga noong high school and college days, mga customers ko ang mga classmate at teachers ko kaya nga doon na ako kumukuha ng pang-field trips at pang-project ko!!!
Since the first week of March, naglagay ako ng frosty sa ref namin...pangbenta bah! Dinagdagan ko nga ng ice cream tapos halo-halo rin, pati mais con yelo at hamburger!
Bakit nga ba ito ang tema ng blog ko ngayon? Eh kasi naman sabi sa horroscope ko...
Look back at some recent dramatic events. You will begin to notice some patterns. Then I saw nga...hehehehe nagkataon lang....