Raining September 2009
Kasabay ng pagpatak ng ulan
Isa na namang minamahal ang lumisan,
Sa pagsundo ng Poong may Likha
Panatag na s'ya at payapa.
Kahit mga mata'y lumuluha
Aming hiling sana'y dinggin,
Sakit at pighati'y pawiin
Nang maluwag sa puso namin!
Isa na namang minamahal ang lumisan,
Sa pagsundo ng Poong may Likha
Panatag na s'ya at payapa.
Kahit mga mata'y lumuluha
Aming hiling sana'y dinggin,
Sakit at pighati'y pawiin
Nang maluwag sa puso namin!
O ayan, nakagawa pa ako ng tula...
Last September 26, 2009 around 4:30 in the morning, our beloved Tito Randy Cosico passed away at the San Pablo City Hospital due to a lot of complications after he had undergone twice operation. All of us could not believe at first. Why it was so soon?!September 17, magkakasama pa kami nina Tito Randy, Tita Anto, Inay, Tita Marie, Nanay Hina, Doray sa PGH para sa kani-kaniyang check-up at sa results nung laboratory. We never knew na malalala na pala ang sakit ni Tito Randy that time. Basta may pinapaulit sa kanyang labtest at ini-schedule sya for ultrasound on October 16 pa. Naglolokohan pa nga kami nung natanggap namin yung schedule nya kasi mas una ang schedule nya kesa kay Tita Marie na naunang magpa-sched. Yung kay tita Marie kasi on November 17 pa. Sabi ni Tita Marie "Randy, mamamatay tayo rito ah ah, palalalain muna tayo bago matingnan ay!" sabi pa nya,"bakit ang iyo'y mas una?" sabi ko, "ginamit ni Tito Randy ang Charm nya para i-sched nang mas maaga! Ahahaha!" sabi naman ni Tito Randy "Kinindatan ko yung babae kaya ako ang nauna, ehehehe". Sabi ko, " Tito Randy mas malala ka na kaya ikaw ang inuna!" Malay ko bang ganon na nga. Haaaay! kung alam ko lang, itinuloy na lang namin yung panonood nang sine. "In my Life" sana papanoorin namin. Nakakahinayang lang kasi yun na pala ang mga huling pagkakataon na malakas pa sya at parang walang sakit kasi tinatakbo pa namin ang mga hagdan paakyat ng OPD sa PGH eh.
Maaga kaming nakauwi kasi madaling natapos ang check-up, unlike nung mga nakaraan, pipila nang before 5 a.m. matatapos ng 4 p.m.
Nakauwi na kami nang San Pablo. Si Tito Randy dala ang kanyang jeep, kakaon pa sana ng mga eskwela sa Canossa when he arrived pabalik sakay ng tricycle na inarkila nya pauwi. Sobrang sakit na nga ng tyan nya, nagsusuka na sya at putlang putla pa according to Inay at nagpapahatid na nga sa Hospital. Then, hinatid na nga sya sakay naman sa tricycle ng kapatid kong si Jeck. For the first time, noon lang nagpahatid si Tito Randy sa Hospital na sya naman ang pasyente.
Sa hospital, may itinurok sa kanya. After few minutes nawala na ang sakit na nararamdaman nya kaya nagpapauwi na sya. According sa mga doctor yun yung effect nung itinurok sa kanya kaya nawala ang sakit. Under observation pa sya. Then nag-undergo to some series of test. Then, doon na nga nalaman that he had to undergo an operation for bato sa apdo. According to the doctors, He also had to undergo on a liquid diet in preparation for that operation. Naaawa na nga ako sa kanya that time kasi hindi sya makakakain for few days.
September 22, naoperahan na sya. Inabot ng 5 hours si Tito Randy sa O. R. Doon din nalaman na infected na rin yung liver nya at nag-shrink na yung gal bladder nya dahil sa tagal na ng panahong tinitiis nya ang sakit na yon. I really thought na magiging okei na ang lahat malampasan lang nya ang operasyong yon. And yun din ang inaasahan nya. Malakas nga raw ang loob nya at lumalaban sa sakit nya kahit nilagnat sya after the operation.
Until September 24, napaubo sya at nagkaroon ng bleeding sa loob so he had to undergo for another operation. Nagkukwento nga ang pinsan kong si Joyce, she's a nurse na assisting during the operation, na kala nya bibigay na si Daddy (tawag din namin minsan kay tito Randy) that time pero sabi nya lumalaban pa rin sya para mabuhay! Doon na sya napaiyak kaya sya pinalabas ng O.R. Mejo nabuhayan kami ng loob doon kasi sa attitude ni Tito Randy na gusto pa nyang mabuhay eh sana nga ay pagbigyan pa sya ng Panginoon.
September 25, after the operation sa ICU na sya pinasok. That day lang ako nakapunta ng hospital para dumalaw. May pinapasabi si Aja, sabi nya sabihin ko raw sa Tatay nya na "Tatay, umuwi ka na miss na miss na kita eh! Wala akong mayapos pag ako'y natutulog!" Kaso nasa recovery room pa sya that time. Sinabi ko rin kay Tita Azon na yon ang pinapasabi nung anak nilang si Aja. I've waited 'till ipinasok ulit sya sa ICU, yon kasi ang sabi eh.
Then nakita ko si Tito Randy, nasa stretcher, may vent sa bibig. Sina Aye pa nga ang nag-aasist eh! Sumakit pa nga ang tyan ko nung nakita ko ang tuyong blood stain sa pantulog nya. His skin was so Yellow. Sabi ni Joyce mejo nabawasan pa nga ang pagka-yellow non. nagba-bye pa ako kay Tito Randy before kami umuwi nina Inay at Doray (galing ulit silang PGH at dumaan na ng Hospital that day kaya sumabay na ako pauwi). Nag-ba-bye rin sya kahit maraming nakatusok sa kamay nya.
Stable pa naman ang condition nya that time not until nag-gabi, tumaas na ang B.P. nya at hinahapo pa. Haaaay that was the time that they said expect the worst because anything could happen to him.
We continually prayed and prayed na kung anong mas makakabuti sya na lang ang ibigay ng Diyos. Thy Will Be Done!
September 26, At yon na nga...I am expecting an unexpected call that morning dahil andon pa rin si Inay sa hospital when tita Azon texted that night na pumunta na kc critical na si Tito Randy. I am expecting a call na worst news ang maririnig ko...na ayokong marinig.
The phone rang...It was my Ate Aileen. She was asking if there's any news from them. Tyempo kakarating lang ni Inay from the hospital. At Nakahinga na nga ako...hindi bad news ang narinig ko.
The phone rang again after five minutes. Then that when I got the bad news! Haaaaay walang kasing sakit ang naramdaman kong lungkot sa narecieved ko. Then I cried.. and cried and cried...
Pero natanggap ko rin agad gaya nang pangtanggap ng iba ko pang kapamilya sa pasya ng Diyos na pawiin na ang paghihirap ni Tito Randy. Masyadong mabait si Tito Randy kaya He don't want him to suffer a lot.
At least hindi na sya nag-suffer ng matagal. Kasi canser ang magiging sakit ni Tito Randy if He'll survived. And suffer a lot of time sa hospital for dialisys. Wierd nga lang kasi he died on the same day and time as his bestfriend 'Hapon's 1st year death anniversary.
I'm so thankful pa rin kay God dahil kahit na sa expected phone call eh hinayaan nya pa ring makabwelo ang emotion ko. God was reaaly good all the time kahit na minsan eh masakit sa pakiramdam...yon naman eh sa una lang. In the end, we will realized that was the best decision God has ever made.
<< Home