I'm back!

back again after a long long time!

Thursday, March 19, 2009

Tapal!




I just remember when we're kids dinadala na kami ni inay sa mga hilot at manggagamot (albularyo) pag may sakit kami. Pag hindi gumaling sa hilot, at saka pa lang dadalhin sa totoong manggagamot (doctor). Ngayong malaki na ako, sa doctor muna ako unang nagpapa-check-up tapos pag hindi nakuha, ay sa albularyo na. Kahit taga malayo, basta nabalitaang nakapagpapagaling eh aming pinupuntahan.


Last week nga lang nagpunta kami medyo malayo sa amin, doon sa Malinao, bayan ng Nagcarlan, lampas ng Sinipian... kay Lolo Nazareno na isang albularyo at nagpatingin nga kasi ang Mamay Duro ko kaya nakisabay na ako. At ayun nga... parehas kami na andami daming tapal pagkatapos mahilot. Tapal sa kaliwa at kanang bahagi ng ulo, leeg, dibdib, likod, baywang! Ewan ko kung sa utak ko lang or somehow I do believed and hope na mapapagaling nila kami, na bumuti naman ang pakiramdam ko pagkatapos ng sesyon pati na rin si Mamay!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home