I'm back!

back again after a long long time!

Thursday, February 18, 2010

So Happy and Sad but happy pa rin

I just missed my blog entry here...this was my 1st blog at 2010. Yeah, kakatapos lang ng birthday ko kahapon and i was so happy!
So sad today, namatay ang isa sa aking itinuring na kaibigan...but happy na rin he's now at peace and not in pain anymore, ika nga ng kapatid nya na nakasaksi kung paano nya nilabanan ang sakit nyang kanser. Hopefully eh maka-recover soon ang kanyang naiwang mga nagmamahal sa kanya.
Happy na rin ako kahit papaano dahil ganon' eh!

Sunday, October 04, 2009

Raining September 2009

Kasabay ng pagpatak ng ulan
Isa na namang minamahal ang lumisan,
Sa pagsundo ng Poong may Likha
Panatag na s'ya at payapa.

Kahit mga mata'y lumuluha
Aming hiling sana'y dinggin,
Sakit at pighati'y pawiin
Nang maluwag sa puso namin!

O ayan, nakagawa pa ako ng tula...


Last September 26, 2009 around 4:30 in the morning, our beloved Tito Randy Cosico passed away at the San Pablo City Hospital due to a lot of complications after he had undergone twice operation. All of us could not believe at first. Why it was so soon?!

September 17, magkakasama pa kami nina Tito Randy, Tita Anto, Inay, Tita Marie, Nanay Hina, Doray sa PGH para sa kani-kaniyang check-up at sa results nung laboratory. We never knew na malalala na pala ang sakit ni Tito Randy that time. Basta may pinapaulit sa kanyang labtest at ini-schedule sya for ultrasound on October 16 pa. Naglolokohan pa nga kami nung natanggap namin yung schedule nya kasi mas una ang schedule nya kesa kay Tita Marie na naunang magpa-sched. Yung kay tita Marie kasi on November 17 pa. Sabi ni Tita Marie "Randy, mamamatay tayo rito ah ah, palalalain muna tayo bago matingnan ay!" sabi pa nya,"bakit ang iyo'y mas una?" sabi ko, "ginamit ni Tito Randy ang Charm nya para i-sched nang mas maaga! Ahahaha!" sabi naman ni Tito Randy "Kinindatan ko yung babae kaya ako ang nauna, ehehehe". Sabi ko, " Tito Randy mas malala ka na kaya ikaw ang inuna!" Malay ko bang ganon na nga. Haaaay! kung alam ko lang, itinuloy na lang namin yung panonood nang sine. "In my Life" sana papanoorin namin. Nakakahinayang lang kasi yun na pala ang mga huling pagkakataon na malakas pa sya at parang walang sakit kasi tinatakbo pa namin ang mga hagdan paakyat ng OPD sa PGH eh.
Maaga kaming nakauwi kasi madaling natapos ang check-up, unlike nung mga nakaraan, pipila nang before 5 a.m. matatapos ng 4 p.m.
Nakauwi na kami nang San Pablo. Si Tito Randy dala ang kanyang jeep, kakaon pa sana ng mga eskwela sa Canossa when he arrived pabalik sakay ng tricycle na inarkila nya pauwi. Sobrang sakit na nga ng tyan nya, nagsusuka na sya at putlang putla pa according to Inay at nagpapahatid na nga sa Hospital. Then, hinatid na nga sya sakay naman sa tricycle ng kapatid kong si Jeck. For the first time, noon lang nagpahatid si Tito Randy sa Hospital na sya naman ang pasyente.
Sa hospital, may itinurok sa kanya. After few minutes nawala na ang sakit na nararamdaman nya kaya nagpapauwi na sya. According sa mga doctor yun yung effect nung itinurok sa kanya kaya nawala ang sakit. Under observation pa sya. Then nag-undergo to some series of test. Then, doon na nga nalaman that he had to undergo an operation for bato sa apdo. According to the doctors, He also had to undergo on a liquid diet in preparation for that operation. Naaawa na nga ako sa kanya that time kasi hindi sya makakakain for few days.
September 22, naoperahan na sya. Inabot ng 5 hours si Tito Randy sa O. R. Doon din nalaman na infected na rin yung liver nya at nag-shrink na yung gal bladder nya dahil sa tagal na ng panahong tinitiis nya ang sakit na yon. I really thought na magiging okei na ang lahat malampasan lang nya ang operasyong yon. And yun din ang inaasahan nya. Malakas nga raw ang loob nya at lumalaban sa sakit nya kahit nilagnat sya after the operation.
Until September 24, napaubo sya at nagkaroon ng bleeding sa loob so he had to undergo for another operation. Nagkukwento nga ang pinsan kong si Joyce, she's a nurse na assisting during the operation, na kala nya bibigay na si Daddy (tawag din namin minsan kay tito Randy) that time pero sabi nya lumalaban pa rin sya para mabuhay! Doon na sya napaiyak kaya sya pinalabas ng O.R. Mejo nabuhayan kami ng loob doon kasi sa attitude ni Tito Randy na gusto pa nyang mabuhay eh sana nga ay pagbigyan pa sya ng Panginoon.
September 25, after the operation sa ICU na sya pinasok. That day lang ako nakapunta ng hospital para dumalaw. May pinapasabi si Aja, sabi nya sabihin ko raw sa Tatay nya na "Tatay, umuwi ka na miss na miss na kita eh! Wala akong mayapos pag ako'y natutulog!" Kaso nasa recovery room pa sya that time. Sinabi ko rin kay Tita Azon na yon ang pinapasabi nung anak nilang si Aja. I've waited 'till ipinasok ulit sya sa ICU, yon kasi ang sabi eh.
Then nakita ko si Tito Randy, nasa stretcher, may vent sa bibig. Sina Aye pa nga ang nag-aasist eh! Sumakit pa nga ang tyan ko nung nakita ko ang tuyong blood stain sa pantulog nya. His skin was so Yellow. Sabi ni Joyce mejo nabawasan pa nga ang pagka-yellow non. nagba-bye pa ako kay Tito Randy before kami umuwi nina Inay at Doray (galing ulit silang PGH at dumaan na ng Hospital that day kaya sumabay na ako pauwi). Nag-ba-bye rin sya kahit maraming nakatusok sa kamay nya.
Stable pa naman ang condition nya that time not until nag-gabi, tumaas na ang B.P. nya at hinahapo pa. Haaaay that was the time that they said expect the worst because anything could happen to him.
We continually prayed and prayed na kung anong mas makakabuti sya na lang ang ibigay ng Diyos. Thy Will Be Done!
September 26, At yon na nga...I am expecting an unexpected call that morning dahil andon pa rin si Inay sa hospital when tita Azon texted that night na pumunta na kc critical na si Tito Randy. I am expecting a call na worst news ang maririnig ko...na ayokong marinig.
The phone rang...It was my Ate Aileen. She was asking if there's any news from them. Tyempo kakarating lang ni Inay from the hospital. At Nakahinga na nga ako...hindi bad news ang narinig ko.
The phone rang again after five minutes. Then that when I got the bad news! Haaaaay walang kasing sakit ang naramdaman kong lungkot sa narecieved ko. Then I cried.. and cried and cried...
Pero natanggap ko rin agad gaya nang pangtanggap ng iba ko pang kapamilya sa pasya ng Diyos na pawiin na ang paghihirap ni Tito Randy. Masyadong mabait si Tito Randy kaya He don't want him to suffer a lot.
At least hindi na sya nag-suffer ng matagal. Kasi canser ang magiging sakit ni Tito Randy if He'll survived. And suffer a lot of time sa hospital for dialisys. Wierd nga lang kasi he died on the same day and time as his bestfriend 'Hapon's 1st year death anniversary.

I'm so thankful pa rin kay God dahil kahit na sa expected phone call eh hinayaan nya pa ring makabwelo ang emotion ko. God was reaaly good all the time kahit na minsan eh masakit sa pakiramdam...yon naman eh sa una lang. In the end, we will realized that was the best decision God has ever made.

Friday, August 28, 2009

Got a New Haircut!

After a very long long time...nagkaroon na rin ako ng time magpagupit ng buhok. Haaaaaay sobrang haba na kasi ng buhok ko and i think more than a year na since the last time na nagpagupit ako. Isa pa, cost cutting na rin, lumalakas na kasi ang gamit ko ng shampoo at conditioner kapag long hair... :)
Anyway, hindi naman masyado maikli ang new hair ko same layered cut but at least lampas balikat na ito ngayon. Nagpalagay rin ako ng long bangs just to be different than usual, kaso humaharang nga sa mga mata ko at para tuloy akong EMO...hehehe ayon lagi na lang naka-clip yung bangs para hindi sumayad sa mukha at nang hindi nga humarang sa mga mata ko. hehehehe better na rin siguro ito, so i won't forget na mag-ayos ng buhok everytime. Haaaay ako na yata ang pinakatamad na babae sa larangan ng pag-aayos sa sarili. hehehehe hindi talaga ako sanay. Im always dependent on someone na mag-aayos sakin...ahahahahha! Is there anyone that are willing to be my hair and make-up stylist?...for free? ehehehehe!

Tuesday, August 25, 2009

First Time Judge...at a Poster Making Contest

What an amazing experience ahahahaha!!! Nagulat ako when Sir Gerry and Ma'am Ilyn ask me to go with them and be one of the judge on a Poster Making Contest at the Saint Peter's Seminary yesterday (august 24, 2009). I just can't believe that I am qualified to be a judge with them...and I'm not prepared! My outfits are very casual and i think it's not appropriate...it's a brown cargo pants together with my favorite grey stripe sleeveless blouse, and my shoes...one wrong step and my shoes are ready to leave me anytime! Sira na kasi, ayaw nang talaban ng rugby at mighty bond! ahahahaha! Well, inisip ko na lang na I've nothing to worry because I'm with them and nothing will ever question my own judgement...though mahilig rin akong mang-okray ng drawing ng iba, iba pa rin pag contest di ba? And it was my first time to judge a drawing contest kung saan sumasali rin ako noong panahon ng aking kabataan. Nyay! parang antanda ko na ah? hehehehe!!! Naalala ko, pinakamadali nga pala ang maging kritiko... kahit hindi gaanong bihasa sa larangang ito. Enjoy pa!!!!
ahahahaha!!! :D

Anyway, I've done my part and I did a proper judgement on who are the truely winners among the contestants from different tertiary schools. And I'm glad hindi kami nagkalayo ng judgement nang mga co-judges ko kung sino talaga ang may pinakamagandang gawa. At syempre, after the judgement, we asks if kaninong drawing yung nanalo na talaga namang nagpa-happy pa sa akin is to found out na from same school ko nanggaling yung napili naming winner! Yehey!!!

:)

Thursday, August 20, 2009

First Time at the Philippine General Hospital (PGH)

Me, Inay, Tita Azon, Doray and Tita Anto went at the PGH today for a check-up. We're all worrying about our health. Umalis kami ng bahay around 3:45am and arrived at almost 5:30am. Whoah ang haba ng pila ng mga patient na magpapatingin rin...hindi pa nga agad kami pumila because we don't know what to do...or where to start..?
Just in time nung malapit nang makapasok ang lahat ng tao papuntang loob ng PGH at saka pa lang kami pumila, at unti-unti may mga tao pang nagdadatingan kasi gusto pa ring magpagamot...Then, we had to fall in line again to get a form, a line again to pay for it, a line again for the doctor/nurse asking our reasons why/what ang aming ipapagamot. Haaaay another line para doon sa magbibigay ng room/sections kung saan kami magpapagamot.
Andaming tao talaga, at lahat katakot-takot na haba ng pila ang kinailangang pilahan. Andami kong nakita na mga patient na more worse ang sakit kesa samin...haaay thank God hindi ganoon kalala ang mga sakit namin! Pero nakaka-sad pa rin for them, but it's okei kc mati-treat na yung sakit nila.

Saturday, August 08, 2009

Abusive!!!


Mapang-abuso!!!
Why oh why???

Bakit ba may mga taong ang ibig ay laging makalamang sa kapwa? Ito ba ay dahil natural na sa kanila yon?...o sadyang wala lang silang pakialam basta benefited sila? Nararamdaman ba nila ito? O sadyang balewala lang sa pag-aakalang normal lang ang humingi nang humingi ng pabor sa kung sinuman lalo at higit dun sa mga nagmamahal sayo?...

Haaay... kay hirap isipin na ang mga taong akala mo ay mahal ka, nirerespeto mo at palaging nakaalalay sayo ay sinasamantala ang kahinaan mo o ang kung anu mang pwede nilang mapakinabangan sayo!!! Nakakainis di ba? They were like parasites and Selfish too!!!

Bwakininang inang mga abusado yan! Gusto lang ay pasarap at ayaw sila ang maghirap! Mahilig sa libre at tanggap na nga lang ng tanggap...wala man lang kusa na tulungan ang mga nakakatulong sa kanya...at utang na loob mo pa ang ikaw ay makatulong sa kanila!!! The neeeeeerv!!!

Haaaaaay....
at walang katapusang haaaay....

Paano ba makakawala sa mga mapang-abusong yan kung lagi na lang silang nandyan at hindi mo matiis ang sila ay hindi tulungan kahit na alam mong paulit-ulit na lang ang pang-aabusong ginagawa sayo?....

I think there's nothing wrong if sometimes you'll resist not to help them in order for them to grow and be more responsible with their duties and responsibilities! Hindi rin masama na ituro mo sa kanila ang kanilang mga pagkakamali kung talagang ikaw ay nagmamahal. At kung ikaw ay nirerespeto at minamahal nila, bukas ang isip nila upang makinig sayong daing, at tuluyang babaguhin ang maling gawi upang maging tama! Di ba? Di ba?

Haaaaay bakit ba ako nagdadalwang-isip pa eh alam ko naman pala ang tama sa mali! hahahaha! Alam mo na, kahit paminsan-minsan naman ay maglabas ako dito ng aking mga hinaing....para hindi ma-stress!!! hahahaha

Nga pala...walang kinalaman ang picture ko tungkol sa mga himutok ko dito noh?! wala lang akong mailagay na iba...yaan mo nang iyan na nga para kahit papaano eh Happy ako! ahahahahaha!

Thursday, July 30, 2009

Feels like a Kid!



Me together the kids Aja, Ashly, LJ, Elise and Bren loves watching Doctor Who very much! Plus the Sarah Jane Adventures! They love the adventures, time travel and monsters and they could actually name each characters, daig pa nga ako eh, kasi sometimes nakakalimutan ko! hahahahaha! It's because they love to watch it over and over again....hehehehe!!!

Fantastic!!!
meet my look-a-like!!! hahahaha!!!