I'm back!

back again after a long long time!

Friday, August 28, 2009

Got a New Haircut!

After a very long long time...nagkaroon na rin ako ng time magpagupit ng buhok. Haaaaaay sobrang haba na kasi ng buhok ko and i think more than a year na since the last time na nagpagupit ako. Isa pa, cost cutting na rin, lumalakas na kasi ang gamit ko ng shampoo at conditioner kapag long hair... :)
Anyway, hindi naman masyado maikli ang new hair ko same layered cut but at least lampas balikat na ito ngayon. Nagpalagay rin ako ng long bangs just to be different than usual, kaso humaharang nga sa mga mata ko at para tuloy akong EMO...hehehe ayon lagi na lang naka-clip yung bangs para hindi sumayad sa mukha at nang hindi nga humarang sa mga mata ko. hehehehe better na rin siguro ito, so i won't forget na mag-ayos ng buhok everytime. Haaaay ako na yata ang pinakatamad na babae sa larangan ng pag-aayos sa sarili. hehehehe hindi talaga ako sanay. Im always dependent on someone na mag-aayos sakin...ahahahahha! Is there anyone that are willing to be my hair and make-up stylist?...for free? ehehehehe!

Tuesday, August 25, 2009

First Time Judge...at a Poster Making Contest

What an amazing experience ahahahaha!!! Nagulat ako when Sir Gerry and Ma'am Ilyn ask me to go with them and be one of the judge on a Poster Making Contest at the Saint Peter's Seminary yesterday (august 24, 2009). I just can't believe that I am qualified to be a judge with them...and I'm not prepared! My outfits are very casual and i think it's not appropriate...it's a brown cargo pants together with my favorite grey stripe sleeveless blouse, and my shoes...one wrong step and my shoes are ready to leave me anytime! Sira na kasi, ayaw nang talaban ng rugby at mighty bond! ahahahaha! Well, inisip ko na lang na I've nothing to worry because I'm with them and nothing will ever question my own judgement...though mahilig rin akong mang-okray ng drawing ng iba, iba pa rin pag contest di ba? And it was my first time to judge a drawing contest kung saan sumasali rin ako noong panahon ng aking kabataan. Nyay! parang antanda ko na ah? hehehehe!!! Naalala ko, pinakamadali nga pala ang maging kritiko... kahit hindi gaanong bihasa sa larangang ito. Enjoy pa!!!!
ahahahaha!!! :D

Anyway, I've done my part and I did a proper judgement on who are the truely winners among the contestants from different tertiary schools. And I'm glad hindi kami nagkalayo ng judgement nang mga co-judges ko kung sino talaga ang may pinakamagandang gawa. At syempre, after the judgement, we asks if kaninong drawing yung nanalo na talaga namang nagpa-happy pa sa akin is to found out na from same school ko nanggaling yung napili naming winner! Yehey!!!

:)

Thursday, August 20, 2009

First Time at the Philippine General Hospital (PGH)

Me, Inay, Tita Azon, Doray and Tita Anto went at the PGH today for a check-up. We're all worrying about our health. Umalis kami ng bahay around 3:45am and arrived at almost 5:30am. Whoah ang haba ng pila ng mga patient na magpapatingin rin...hindi pa nga agad kami pumila because we don't know what to do...or where to start..?
Just in time nung malapit nang makapasok ang lahat ng tao papuntang loob ng PGH at saka pa lang kami pumila, at unti-unti may mga tao pang nagdadatingan kasi gusto pa ring magpagamot...Then, we had to fall in line again to get a form, a line again to pay for it, a line again for the doctor/nurse asking our reasons why/what ang aming ipapagamot. Haaaay another line para doon sa magbibigay ng room/sections kung saan kami magpapagamot.
Andaming tao talaga, at lahat katakot-takot na haba ng pila ang kinailangang pilahan. Andami kong nakita na mga patient na more worse ang sakit kesa samin...haaay thank God hindi ganoon kalala ang mga sakit namin! Pero nakaka-sad pa rin for them, but it's okei kc mati-treat na yung sakit nila.

Saturday, August 08, 2009

Abusive!!!


Mapang-abuso!!!
Why oh why???

Bakit ba may mga taong ang ibig ay laging makalamang sa kapwa? Ito ba ay dahil natural na sa kanila yon?...o sadyang wala lang silang pakialam basta benefited sila? Nararamdaman ba nila ito? O sadyang balewala lang sa pag-aakalang normal lang ang humingi nang humingi ng pabor sa kung sinuman lalo at higit dun sa mga nagmamahal sayo?...

Haaay... kay hirap isipin na ang mga taong akala mo ay mahal ka, nirerespeto mo at palaging nakaalalay sayo ay sinasamantala ang kahinaan mo o ang kung anu mang pwede nilang mapakinabangan sayo!!! Nakakainis di ba? They were like parasites and Selfish too!!!

Bwakininang inang mga abusado yan! Gusto lang ay pasarap at ayaw sila ang maghirap! Mahilig sa libre at tanggap na nga lang ng tanggap...wala man lang kusa na tulungan ang mga nakakatulong sa kanya...at utang na loob mo pa ang ikaw ay makatulong sa kanila!!! The neeeeeerv!!!

Haaaaaay....
at walang katapusang haaaay....

Paano ba makakawala sa mga mapang-abusong yan kung lagi na lang silang nandyan at hindi mo matiis ang sila ay hindi tulungan kahit na alam mong paulit-ulit na lang ang pang-aabusong ginagawa sayo?....

I think there's nothing wrong if sometimes you'll resist not to help them in order for them to grow and be more responsible with their duties and responsibilities! Hindi rin masama na ituro mo sa kanila ang kanilang mga pagkakamali kung talagang ikaw ay nagmamahal. At kung ikaw ay nirerespeto at minamahal nila, bukas ang isip nila upang makinig sayong daing, at tuluyang babaguhin ang maling gawi upang maging tama! Di ba? Di ba?

Haaaaay bakit ba ako nagdadalwang-isip pa eh alam ko naman pala ang tama sa mali! hahahaha! Alam mo na, kahit paminsan-minsan naman ay maglabas ako dito ng aking mga hinaing....para hindi ma-stress!!! hahahaha

Nga pala...walang kinalaman ang picture ko tungkol sa mga himutok ko dito noh?! wala lang akong mailagay na iba...yaan mo nang iyan na nga para kahit papaano eh Happy ako! ahahahahaha!